INTIMATE NIGHTS w/ Misteryosa sa RMN Naga – DWNX 1611 AM, Sumisikad Na!!!

Sumisikad na ngayon sa AM BAND ang inyong nakasanayang RMN Naga DWNX.
Makukuha na rin sa 1611 KHz – AM Band – ng inyong mga radyo ang mga programang nakasanayan na ninyong naririnig sa RMN Naga – DWNX 91.1 FM.
Matutunghayan ang mga pinakapresko, pinakamaiinit na balita, naangkop na impormasyon at nakakaalis stress na entertainment talks sa DWNX AM 1611.
Nariyan si RadyoMaN Elmer Abad sa Morning Na, Tindog Na!!! kada alas 4 ng umaga. Sinusundan ito nina RadyoMaN Jun Orillosa at nagbabalik si RadyoMaN Elmer Abad sa BICOL EXPRESS pagsapit ng alas Singko dala-dala ang headlines at detalye ng mga balita, ronda presinto, police at market report, check-attendance, aram daw nindo, resulta ng Lotto, at iba pa…
Maririnig naman ang punto-por-punto editorial ni RadyoMaN Ed Ventura pagsapit ng alas 6:30 sa BAKUNG IYO?… At syempre pa, ang ratsada ng mga pinakapresko, pinakamaiinit na balita at mga pangyayari pagsapit ng 6:45 sa KWARENTA Y SINGKO kasama sina RadyoMaN Ed Ventura at RadyoMaN Grace Inocentes.
Alas 7:45 ng umaga, pagtalakay naman sa mga isyu ng bayan at usaping nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng publiko ang pinapasadahan ng multi-awarded tandem nina RadyoMaN Ed Ventura at RadyoMaN Grace Inocentes sa DOBLE PASADA.
Pagkatapos ng maiinit na balita, sinusundan ito ng PINAKAMALUPEET at PINAKA-KONTROBERSYAL at pinakahihintay ng LAHAT– subalit PINAKAKINATATAKUTAN ng mga MAKASALANAN… ang NX CHIKA ni RadyoMaN Ed Ventura.
Dagdag na impormasyon, sports at entertainment naman ang hatid nina Station Manager RadyoMaN Al Ubaña at RadyoMaN Mike Marfega pagsapit ng alas 9:30 ng umaga. Sinusundan ito ng walang kinikilingang serbisyo publiko ng batikang mamamahayag na si RadyoMaN Jun Orillosa sa MR PUBLIC SERVICE.
Pagsapit ng alas 11:30 ng tanghali, matutunghayan at maririnig ninyo ang NX Bareta sa Pagkaudto, balita at mga kaganapan sa loob ng Naga City, Camarines Sur, at iba pang bahagi ng Kabikolan. May dagdag pang sports, national at international news si RadyoMaN Ed Ventura.
Alas 12:30 ng hapon, ang inyong pinakamalupet na anchor host – MISTERYOSA – ang magpapaluwag ng inyong pakiramdam sa kanyang WORDS-AND-MUSIC hanggang alas 3 ng hapon.
Of course, tuluy-tuloy ang saya hatId sa inyo nina RadyoMaN Mike Marfega at RadyoMaN Grace Inocentes sa MIKE & GRACE @ UR SERVICE, hitik sa katuwaan, impormasyon, enteractive talks at kantahan, dagdag pa diyan ang usaping “anything under the sun” paminsan-minsan.
Ito ang pinakamalupeeettt… Pagsapit ng alas 9:30 ng gabi hanggang alas 12 ng hatinggabi… hanggang 12:30 ng medaling araw… inyong matutunghayan ang INTIMATE NIGHTS with Misteryosa – RadyoMaN JULIET DE LEON – mag-aalis ng inyong stress sa maghapon, magbibigay aliw at magpapaluwag ng inyong mga sinturon dahil sa nakaka-L na usapin… nakaka-L…as in nakakain-LOVE na talakayan kaugnay ng mga karanasan sa buhay, tagumpay sa pag-ibig, kabiguan at mga kwento ng muling pagbangon….
BUBUHAYIN ni MISTERYOSA ang inyong natutulog na dugo. Siya ang MAGPAPATAYO at MAGPAPABANGON ng inyong MATAMLAY at NAKALAYLAY na damdamin dahil sa stress at pagod sa maghapon.
Kaya mga kasama, makinig na sa pinalakas, pinagaling at pinatinding mga programa ng RMN Naga – DWNX sa AM Band – 1611 KHz.

Facebook Comments