Ipinakitang galing at pagsisikap ni Hidilyn Diaz para makapag-uwi ng karangalan sa Pilipinas, kinilala ni PBBM

Nakikiisa si Pangulong Bongbong Marcos sa buong bansa sa pagbibigay-pugay kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Sa official Twitter account ng pangulo, sinabi nito na muling ipinamalas ni Diaz ang kaniyang galing.

Si Hidilyn ay nagwagi ng gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships.


Kinikilala ng pangulo ang patuloy na pagsusumikap ni Diaz para magsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino at makapag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas.

Nauna nang utos ni Pangulong Marcos sa mga nangangasiwa ng iba’t ibang palakasan sa bansa ang pagbibigay ng buong suporta sa lahat ng atleta ng bansa para sa kanilang pag-unlad para patuloy na ipakilala ang galing ng Pilipinas sa buong mundo.

Facebook Comments