Isa pa sa suspek sa 2009 Maguindanao Massacre, nahuli sa Cotabato City

180

Makalipas ang 12 taon nang maganap ang Maguindanao Massacre, isa pang suspek ang naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Maguindanao Field Unit sa BARRM Compound, Cotabato City.

Kinilala itong si Datu Harris Ampatuan Macapendeng, ang kasalukuyang Brgy. Captain ng Tuayan, Datu Hoffer sa Maguindanao.

Ang nahuling suspek ay may patong sa ulo na aabot sa ₱300,000 sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Memo Circular 2010-76.


Siya ay nahaharap sa kasong 43 counts ng murder.

Siya rin ay kabilang sa Ampatuan Private Army na isa mga dumalo sa meeting kung saan pinag-usapan ang Ampatuan Massacre na ikinasawi ng 58 katao noong November 2009.

Facebook Comments