
Inirekomenda ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) ang paglaan dagdag na P2.349 bilyon para sa ilang programa ng Department of Transportation (DOTr) na pawang hindi nilagyan ng alokasyon sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program o NEP.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing, kabilang sa rekomendasyon ng BARSc ang P500 milyon para sa Service Contracting Program.
Binanggit din ni Suansing ang P1 bilyon para sa fuel subsidy ng transport sector at P75 milyon para sa NCR Busway Project.
Diin ni Suansing, kinikilala ng BARSc ang kahalagahan ng nabanggit na mga programa at ang paglalaan ng pondo dito ay tugon sa sentimyento ng mamamayan na inilahad sa budgetr deliberations ng mga civil society organizations at mga kongresista sa minorya.
Ang nabanggit na mga rekomendasyon ng BARSc ay kailangan pang aprubahan sa plenaryo ng Kamara.










