Isang centenarian, ginawaran ng insentibo sa Isabela

Santiago City, Isabela – Nakatanggap ng 100,000 pesos ang isang centenarian sa Barangay Dubinan, Santiago City, Isabela.

Si lola Ortagon Chumani, 102-anyos ay labis natutuwa sa natanggap na insentibo.

Ayon kay lola Ortagon –sikreto sa kanyang mahabang buhay ay ang pagkain ng mga gulay at kamote.


Hindi rin daw siya naglalagay ng mga artipisyal na pamparasap sa mga pagkain tulad ng vetsin, kundi asin lamang ang kanyang ginagamit.

Sa ngayon, hindi pa alam ni lola kung saan niya gagamitin ang pera.

Facebook Comments