Isang fully vaccinated na indibidwal, mananalo ng ₱1-M sa pasko

Magiging merry talaga ang Christmas ng isang maswerteng indibidwal na mabubunot sa Bakunado Panalo contest ng pamahalaan.

Sa Presscon ng Malacañang, sinabi ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire na ang patimpalak ay para sa mga indibidwal na fully vaccinated.

Sa ngayon ay nasa 200,000 na ang sumali at nag-register.


Target ng pamahalaan na makasali ang nasa isang milyon nating mga kababayan.

Ani Vergeire, para sa buwan ng October at November ay mayroong 50 mananalo ng tig-₱5,000 sa grand draw naman sa December 10, ay may mananalo ng isang ₱100,000, isa rin ang mananalo ng ₱500,000 at isa ang magkakamit ng ₱1 milyon.

Kinakailangan lamang mag-register para makasali.

I-type lamang RESBAKUNAREG space, name/age/address at i-send sa 8933 para sa Step 1.

Para naman sa Step 2 i-type ang RESBAKUNAREG space, 1st letter ng vaccine brand/pang ilang dose/LGU/petsa ng bakuna at isend sa 8933.

Piso lang ang kada text na padala para sa nasabing promo.

Ang Department of Health ang siyang mangangasiwa sa monthly at grand draw.

Libre ang registration para makasali.

Facebook Comments