Isang kabayo sa America, itinuturing bilang “World’s Most Beautiful Horse”

Panghimagas – Isang kabayo ang sikat na sikat ngayon sa socail media dahil sa astig at matikas na itsura nito.
Si Frederick the Great, na isang 16-years old stallion ay itinuturing ngayon na “World’s Most Beautiful Horse” na kung saan sa porma pa lamang nito ay siguradong walang sinabi ang ibang kabayo.
Ayon sa handler nito na si Stacy Nazario, anim na toan pa lamang si Frederick nang kanila itong makuha sa Netherlands at hindi sila nahirapan na paamuhin ito dahil naiiba ang ugali nito sa ibang stallion.
Nabatid kasi na karmaihan sa ugali ng stallion horses ay mainitin ang ulo at madalas nagwawala.
Sa ngayon, mayroong nang 72,000 fans si Frederick sa Facebook page nito at umaabot din ng mahigit 100,000 ang likes nito sa kada araw na picture na ipino-post ng kaniyang amo.

Facebook Comments