Isang mall sa San Pablo City Laguna, napasok ng Termite gang

Napasok ng Termite gang ang isang mall sa San Pablo City Laguna nitong madaling araw ng May 1.

Sa ulat Philippine National Police (PNP) San Pablo, binutas ng grupo ang isang bahagi ng kisame ng mall at binutas din ang sahig ng isang comfort room na tumatagos hanggang sa drainage palabas ng mall.

Posibleng sa drainage raw nagsimulang dumaan ang miyembro ng Termite gang para makapasok sa mall.


Ngunit ayon sa San Pablo PNP, nang makapasok sa loob ng mall ang tinatayang tatlong suspek ay natunugan sila ng mga security guards ng mall.

Kaya nagsikaripas sila patakbo palabas ng mall.

Wala raw nakuha ang mga magnanakaw at wala ring nasaktan sa insidente ngunit nagpapatuloy ang imbestigasyon ng San Pablo PNP habang tiniyak ng mall management na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon.

Facebook Comments