Isang Pinoy, kabilang sa namatay sa Lunar New Year mass shooting sa California

Kinumpirma ng mga awtoridad sa Los Angeles, California na isang Pilipino ang namatay sa pamamaril sa selebrasyon ng Lunar New Year doon.

Ang Pinoy na hindi muna pinangalanan ay kabilang sa 11 namatay sa nasabing insidente sa Monterey Park sa California.

Matapos ang pamamaril ay nagbaril din sa sarili ang 72 taong gulang na Asyano na kinilalang si Huu Can Tran.


Nakikipag-ugnagan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga awtoridad sa Los Angeles gayundin sa Filipino community organizations doon para sa update sa kaso.

Facebook Comments