Friday, October 23, 2026

Isang tanker vessel, nasunog sa Calaca City, Batangas

Nasunog ang isang tanker vessel habang nasa Balayan Distillery Inc. Port sa Barangay Talisay, Calaca City, Batangas kung saan dalawang crew members ang nasugatan sa insidente.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) – Southern Tagalog District, agad rumesponde ang Coast Guard Sub-Station Lemery kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Calaca City at isang lokal na tugboat matapos makatanggap ng impormasyon mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO.

Ang Motor Tanker na MTKR GINDARA ay may kargang molasses, at may 22 crew members nang sumiklab ang apoy sa engine room.

Ligtas naman ang 20 mga crew habang ang dalawa ang nagtamo ng injuries at isinugod sa magkahiwalay na ospital.

Patuloy naman ang pagtugon ng PCG at mga katuwang na ahensya sa insidente, habang inaalam ang sanhi ng sunog sa naturang tanker vessel.

Facebook Comments