PANIBAGONG FARM-TO-MARKET ROAD SA BAUTISTA, BUKAS NA PARA SA MGA RESIDENTE AT MAGSASAKA NG BAYAN

Natapos na ang concreting ng Farm-to-Market Road (FMR) sa Barangay Artacho, Bautista, Pangasinan.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, ang naturang proyekto ay nagbigay ng konkretong daan sa lugar na ginagamit ng mga magsasaka at residente sa pagbiyahe at paghahatid ng mga produktong agrikultural.

‎Matatandang noong 2023 ay nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ng inspeksyon sa mga FMR project sa Pangasinan, kabilang ang mga benepisyaryo mula sa Artacho Farmers Association.

‎Mayroon ding naitalang FMR project sa Barangay Diaz, Bautista sa mga infrastructure procurement ng Pangasinan provincial government.

‎Inaasahang magkakaroon na ng mas maayos na access road ang mga magsasaka at residente sa lugar para sa kanilang araw-araw na biyahe at transportasyon ng ani. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments