Monday, October 19, 2026

House prosecution panel, umaasang maghahain ng kaukulang kaso ang Ombudsman laban kay VP Duterte hinggil sa confidential fund misuse

Umaasa ang House prosecution panel na maghahain ang Office of the Ombudsman ng kasong kriminal laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa alegasyon ng maling paggamit ng 612.5 million pesos na confidential fund.

Sinabi ito ni House trial spokesperson at Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, sa harap ng nagpapatuloy na pangangalap ng Ombudsman ng mga ebidensya hinggil sa maling paggamit ng Office of the VIce President ng confidential funds at ng Department of Education (DEPED) sa panahon na si VP Sara ang kalihim nito.

Paliwanag ni Adiong, ang mga imbestisyon at kaso hingil dito ay hiwalay sa mga alegasyong nakahain sa Impeachment Court kung saan ini-atras na ng prosekusyon ang artikulo ukol sa alegasyong confidential fund misuse.

Sabi naman ni House prosecutor at Manila Representative Joel Chua, na dahil sa laki ng salaping sangkot ay pwedeng maharap si VP Duterte sa mga kasong plunder o pandarambong, malversation at iba pang kaukulang kasong kriminal.

Facebook Comments