Arestado ang isang 22-anyos na construction worker matapos ang buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Dagupan City noong gabi ng Setyembre 26, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng tauhan ng Station 4 ng Dagupan City Police Office (DCPO), kasama ang City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), Criminal Investigation Unit (CIU) at PDEA Regional Office 1.
Nasamsam mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may kabuuang timbang na 11.13 gramo at tinatayang street drug price na ₱75,684.
Nakuha rin sa operasyon ang ilang personal na gut, isang marked money, at 16 na piraso ng boodle money.
Ayon sa pulisya, ang suspek kinilalang isang residente ng Dagupan City. Inaresto ito matapos ang isinagawang operasyon at isinailalim sa kaukulang proseso para sa pagsasampa ng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












