Dumating sa Manaoag ang imahen noong September 7, 2026 bilang bahagi ng paggunita sa Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary ngayong September 8.
Sa kabila ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat, hindi ito naging hadlang sa mga debotong nagtungo sa basilica upang manalangin at makiisa sa pagdiriwang.
Patuloy namang bukas ang basilica para sa mga debotong nais bumisita at manalangin sa harap ng imahen ng Itim na Nazareno.
Nakatakdang manatili ang imahen sa Manaoag hanggang September 9 bago ito ibalik sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church sa Maynila.
Inaasahan pang mas maraming deboto ang dadagsa sa Manaoag sa mga susunod na buwan, partikular sa pagsisimula ng mga tradisyunal na gawaing panrelihiyon kaugnay ng nalalapit na panahon ng Kapaskuhan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








