Umabot sa 538.5 kilo ng recyclable waste ang nakolekta at naipalit bilang grocery items mula sa Palit-Basura Caravan ng City Environment and Natural Resources Office o City ENRO sa Barangay Pandan, Alaminos City, Pangasinan.
Batay sa ulat, kabilang sa mga nakinabang ang mga residente mula sa Barangay Pandan, Sabangan, Telbang at Victoria.
Alinsunod ang aktibidad sa Alaminos Barangay Caravan.
Bukod sa pagpapalit ng mga recyclable na basura, namahagi rin ang tanggapan ng 150 punla ng mga namumungang puno tulad ng langka, kasoy, santol, guyabano at lomboy.
Ayon sa City ENRO, target ng programa na mahikayat ang mga residente na makilahok sa wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagre-recycle at pagtatanim ng mga puno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










