January 23, 2024, idineklara ng Malacañang na special non-working day sa buong lalawigan ng Bulacan

Ideneklara ng Malacañang na special non-working day ang January 23, 2024 sa buong lalawigan ng Bulacan.

Ito ay batay sa Proclamation No. 428 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nakasaad sa Proclamation No. 428 na idineklarang special non-working day sa buong lalawigan ng Bulacan para magkaroon ng panahon ang mga taga-Bulacan na makiisa sa pagdiriwang ng inagurasyon ng First Philippine Republic na nangyari sa simbahan ng Barasoain sa Malolos Bulacan.


Pinirmahan ang Presidential Proclamation nitong December 20, 2023.

Facebook Comments