Jordan Clarkson, ipinagtanggol si Gilas coach Chot Reyes sa gitna ng pambabatikos

94
Photo Courtesy: Samahang Basketbol ng Pilipinas

Ipinagtanggol ni Jordan Clarkson si Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes matapos siyang makatanggap ng boo sa laban kahapon kontra Saudi Arabia.

Ayon kay Clarkson, sa halip na i-bash ay dapat suportahan ng mga Pilipino ang buong Gilas team kasama na ang coaching staff.

Hindi aniya deserve ni Reyes ang mga natatanggap na kritisismo bilang coach ng Gilas.


Matatandaang sa naturang laban ay nagwagi ang Gilas matapos tambakan ang Saudi Arabia 84-46 sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon naman kay Coach Chot, handa siyang tumanggap ng mga kritisimo at hate basta’t hindi madadamay ang Gilas Pilipinas players.

Samantala, present din sa laban ng Gilas kahapon si Senate Committee on sports Chair Senator Christoper “Bong” Go bilang pagpapakita ng suporta para sa national team.



Ayon kay Go, patuloy rin niyang titiyakin na handang laging tumulong ang pamahalaan para sa sports development programs ng bansa at pagprotekta sa kapakanan ng mga Pilipinong atleta.

Kamakailan nga lamang ay inihain ni Senator Bong Go kasama ng iba pang senador ang Senate resolution no. 83 na layong hikayatin ang Committee on Sports na masagawa ng inquiry para makahanap ng mga paraan kung papaanong susuportahan ang Philippine National Basketball Team sa mga susunod pang kompetisyon sa gitna ng preparasyong ginagawa para sa pagiging host natin sa 2023 FIBA World Cup.

Facebook Comments