
Naglabas na ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa 34 na bus at UV Express operator matapos umanong lumampas na sa kanilang ang mga awtorisadong ruta para makibahagi sa EDSA rally kahapon.
Kasabay nito, nagbabala ang LTFRB na hindi dapat natitigil ang serbisyo ng pampublikong transportasyon upang magamit bilang isang uri ng protesta.
Itinakda ng LTFRB sa July 9, 2026 ang pagdinig upang pagpaliwanagin ang mga operator kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang kanilang mga prangkisa dahil sa paglabag sa mga tuntunin ng ibinigay sa kanilang Certificates of Public Convenience.
Nagpaalala ang ahensya na ang karapatang magprotesta ay dapat balanse sa pangangailangan ng publiko para sa maaasahang transportasyon.
Nauna rito, pinuna ng pamahalaan ang naging epekto ng patuloy na aktibidad ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa kahabaan ng EDSA sa daloy ng traffic at commuter movement sa Metro Manila.










