Justice Secretary Aguirre, kinumpirma na may pagbabanta sa buhay ng pamilya ni Reynaldo de Guzman

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nakatatanggap na ng pagbabanta sa buhay ang pamilya ng pinatay na 14 anyos na si Reynaldo de Guzman.

Bunga nito, mismong si Aguirre na mismo ang nag-alok sa pamilya de Guzman na sumailalim sa Witness Protection Program.

Ang naturang binatilyo ay natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa Gapan, Nueva Ecija.


Si De Guzman ang huling nakasama ni Carl Arnaiz nang ito ay mapatay ng mga pulis ng Caloocan noong August 18.

Sinabi ni Aguirre na inaalam na rin nila kung ang pitong saksak sa dibdib ng biktima ay ginawa bago o pagkatapos itong patayin.

Facebook Comments