Bumaba sa 8.6 porsiyento ang poverty incidence sa Pangasinan noong 2025 mula sa 17.9 porsiyento noong 2021, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev ).
Mas mababa ito sa 9.7 porsiyentong pambansang poverty incidence, na nagpapakita ng pagbaba ng antas ng kahirapan sa lalawigan sa nakalipas na apat na taon.
Katumbas ito ng 284,140 na mas kaunting Pangasinense na nabubuhay sa kahirapan.
Ayon naman sa ilang Pangasinense, masasabi nilang katamtaman ang pamumuhay bilang residente ng lalawigan, bagamat patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahin bilihin ay kaya pa rin umano nila itong matugunan.
Ipinahayag ng gobernador ang kasiyahan sa naturang datos at iginiit na mahalaga ang pagtutulungan upang makamit ang positibong pagbabago sa kalagayan ng mga mamamayan.
Kabilang sa mga programang patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang mga nakatuon sa agrikultura, edukasyon, trabaho at kabuhayan, gayundin sa serbisyong pangkalusugan.
Binigyang-diin ni Guico na magpapatuloy ang kanilang mga hakbang upang mas marami pang pamilyang Pangasinense ang magkaroon ng mas maayos na pamumuhay at magandang kinabukasan ang bawant Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








