Thursday, April 23, 2026

MANGALDAN MPS, NAGSAGAWA NG BARANGAY VISITATION AT DAYALOGO SA KOMUNIDAD

Nagsagawa ng barangay visitation at community dialogue ang mga tauhan ng Mangaldan Municipal Police Station (MPS) bilang bahagi ng kanilang patuloy na programa sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at pagpapatibay ng crime prevention initiatives.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng kapulisan, mga opisyal ng barangay, at mga residente, gayundin ang pagtukoy at pagtugon sa mga suliranin ng komunidad. Tinalakay rin sa nasabing dayalogo ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at ang aktibong pakikiisa ng publiko sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Hinimok ng mga pulis ang mga mamamayan na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang maiwasan ang posibleng krimen sa kanilang lugar.

Ayon sa Mangaldan MPS, ang naturang inisyatiba ay patunay ng kanilang dedikasyon na mapalakas ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at matiyak ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments