Kaanak ng Pinay na missing sa Hamas attack, naniniwalang buhay pa rin si Noralyn Babadilla

Kumpiyansa ang mga kaanak ni Noralyn Babadilla na buhay pa ang naturang Pinay na missing sa pag-atake ng Hamas sa Israel.

Ayon kay Carina Babadilla Alon, malakas ang kanilang kutob na buhay pa si Noralyn at nasa Gaza ito.

Aniya, ramdam nilang hindi patay si Noralyn lalo na’t wala namang report na nag-match ang DNA sample ng kapatid nito sa mga namatay sa pag-atake.


Una na ring inihayag ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na malakas ang kutob nila na buhay pa si Noralyn at umaasa silang makakasama na rin ito sa mga bihag na pinapalaya ng Hamas.

Facebook Comments