Kadiwa store sa Las Piñas City, maagang pinilahan

Maagang pinilahan ng mga mamimili ang Kadiwa store sa lungsod ng Las Piñas ngayong araw ng Linggo.

Karamihan sa mga namili rito ay mga taong katatapos lamang magsimba sa Good Shepherd Parish sa Pamplona 3 kung saan nakatayo ang Kadiwa store.

Narito ang presyo ng mga gulay at prutas sa Kadiwa store:


• Sibuyas na pula – ₱190/ kilo
• Imported na bawang – ₱100/ kilo
• Kamatis – ₱50/ kilo
• Kamatis Cherry – ₱30/ kilo
• Talong – ₱140/ kilo
• Ampalaya – ₱160/ kilo
• Kalabasa – ₱60/ kilo
• Patatas – ₱120/ kilo
• Baby potatoes – ₱60/ kilo
• Carrots – ₱90/ kilo
• Repolyo – ₱70/ kilo
• Broccoli – ₱60/ kilo
• Grapes – nasa 200 pesos kada kilo

Galing sa Benguet ang mga gulay na ibinebenta sa Kadiwa store sa Las Piñas.

Bukas ang naturang Kadiwa store tuwing Biyernes at Linggo mula alas sais hanggang alas-11:00 ng umaga.

Facebook Comments