MGA LABI NI PAF PILOT CAPT. RAYMART F. CABANGCALA, DUMATING NA SA URDANETA CITY

Tuluyan nang nakauwi sa kaniyang bayan ang labi ng nasawing Philippine Air Force (PAF) pilot na si Captain Raymart F. Cabangcala matapos lumapag ang helicopter na nagdala sa kaniyang mga labi sa oval grounds ng Urdaneta National High School bandang alas-10:16 ng umaga ngayong araw.

Si Capt. Cabangcala ay nasawi kasunod ng naganap na mid-air collision na kinasangkutan ng mga aircraft ng Philippine Air Force (PAF).

Naging makabuluhan ang kaniyang pagbabalik sa Urdaneta City, kung saan sinalubong ang kaniyang mga labi bilang pagkilala sa kaniyang paglilingkod at sakripisyo para sa bayan.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pakikiramay ang publiko sa pamilya, mga kaanak, kaibigan at mga naulila ng nasabing piloto.

Samantala, kinilala ang kaniyang katapangan at dedikasyon sa paglilingkod sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments