Kahalagahan ng gender equality sa National Security, binigyang-diin ni DND Sec. Teodoro ngayong Women’s Month

Ngayong ipinagdiriwang ang National Women’s Month, binigyang-diin ng Department of National Defense (DND) ang kahalagahan ng gender equality sa pagpapalakas ng ating National Security.

Ayon kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., ang pagtataguyod ng ‘inclusive workplace’ ay layong matiyak ang patas na oportunidad para sa lahat.

Hinimok din ni Teodoro ang lahat na patuloy na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan kahit matapos na ang National Women’s Month.

Kasunod nito, magsasagawa ang DND ng iba’t ibang aktibidad upang itaguyod ang gender equality at inclusivity, at kilalanin ang mahalagang papel ng kababaihan sa pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments