Comelec, binigyang-diin ang kahalagahan ng papel ng pulisya sa pagpapatupad ng Task Force laban sa vote buying

Ipinaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) ang kanilang papel sa pagsugpo ng vote-buying sa nalalapit na 2025 Midterm Elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, mahalagang maunawaan ng mga pulis ang tamang proseso sa paghawak ng mga kaso ng vote-buying.

Isa sa mga tinalakay sa security briefing kahapon sa Krame ang warrantless arrest na pinapayagan sa ilalim ng COMELEC Resolution 11104.

Binigyang-diin din ni Garcia na mahigpit na ipinagbabawal ng Omnibus Election Code ang vote-buying at vote-selling.

Kaniya ring binigyang-diin sa PNP ang mga mandato ng Task Force Baklas at iba pang task force ng komisyon upang matiyak ang maayos at malinis na halalan sa darating na Mayo.

Facebook Comments