
Kasabay ng selebrasyon ng Women’s Month ay pinapadeklara ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña ang buwan ng Marso bilang “Bawal Bastos Awareness Month”.
Sa inihaing House Resolution No. 2247 ay binigyang-diin ni Cendaña na 2025 na at hindi na dapat uso ang pambabastos sa kababaihan at sa iba pang kasarian.
Ayon kay Cendaña, dapat ligtas ang lahat, saan man sila magpunta kaya walang excuse at walang palusot para hindi maipatupad ang pagbabawal sa pambabastos sa kalye, sa opisina, sa social media at lalo na sa gobyerno.
Nakapaloob din sa resolusyon ang paghikayat sa Philippine Commission on Women (PCW) na magsagawa ng compliance audit sa mga pampubliko at pribadong establisyemento.
Ito’y para matiyak na sinusunod o naipatutupad nila ang Safe Spaces Act.