Saturday, June 6, 2026

Senate flood control hearing, malinaw na layuning gibain ang mga mambabatas na nagsusulong ng impeachment trial laban kay VP Duterte

Malinaw para kay House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, ang paggamit sa Senate Blue Ribbon Committee (BRC) bilang sandata laban sa mga mambabatas na nagsusulong ng agarang impeachment trial laban kay of Vice President Sara Duterte.

Kapansin-pansin naman para kay House Assistant Majority Leader at Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na hindi ang maanomalyang flood control projects ang tinutukan ng pagdinig kundi ang paninira sa mga miyembro ng Kamara, kabilang ang mga House prosecutors at mga opisyal na may papel sa impeachment proceedings laban kay Duterte.

Naniniwala naman si House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua na ang tunay na intension ng Senate hearing ay upang yurakan ang kredibilidad ng mga kritiko ni VP Sara.

Sabi ni Chua, nagsampa na sya ng reklamo laban sa mga dating tauhan ni Zaldy Co at hinihintay na lamang aniya ang resulta nito.

Marami namang nakikita si House Lead prosecutor and Batangas Rep. Gerville Luistro na mga inconsistencies o hindi pagkakatugma sa mga walang katotohanang kwento ng ex-marines na naka-disenyong gibain ang pagkatao ng mga naninindigan kontra sa nagdaang administrasyon tulad ng mga naging bahagi ng imbestigasyon kaugnay sa extrajudicial killings at maling paggamit ng confidential funds.

Facebook Comments