Pinag-iingat ng Dagupan City Police ang mga motorista laban sa posibleng insidente sa kalsada na dulot ng road rage.
Ayon kay PCPT Eric Castro Dela Cruz, OIC Station Commander ng Dagupan City Police Station 2, hinimok niya ang mga motorista na kontrolin ang kanilang emosyon at huwag magpadala sa matinding galit habang nagmamaneho upang maiwasan ang mga aksidente.
Binigyang-diin din ni Dela Cruz ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kaligtasan, hindi lamang ng sariling buhay kundi pati ng iba pang kasabay sa kalsada.
Samantala, nakapagtala na umano ang pulisya ng ilang minor na insidente ng road rage sa kanilang nasasakupan.
Kaugnay nito, patuloy na pinaiigting ng Dagupan City Police ang mga checkpoint at pagbabantay sa mga kalsada sa pamamagitan ng “Oplan Bandillo,” na magpapatuloy bilang bahagi ng kanilang mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








