
Iginiit ng European Union observers na hindi nila lubusang nabantayan ang midterm elections na isinagawa kahapon May 12.
Ayon sa European Union Elections Observation Mission, hindi sila nakakuha ng sapat na impormasyon sa naganap na 2025 national midterm election sa Pilipinas dahil sa kakulangan sa access sa polling precincts.
Kahit pa may kasunduan sa pagitan ng EU at pamahalaan na nagbibigay ng malayang access.
Binigyang diin ng EU na naiba ang mga palatuntunan bago ang halalan kaya hindi na-deploy ng naayon ang observers.
Sa kabila nito, naitalaga naman lahat ng observers ng EU sa bilangan ng boto matapos ang pagsasara ng botohan ala-7:00 kagabi.
Samantala, inihahanda na ng EU ang kanilang preliminary statement na naglalaman ng mga obserbasyon ukol sa halalan bukas ng alas 11:00 ng umaga araw ng Miyerkules, May 14.