Thursday, October 8, 2026

๐Ÿฎ๐Ÿฒ-๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ๐—•๐—ข๐—ฌ, ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—œ๐—š๐—ง๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ

CAUAYAN CITY-Isang 26-anyos nalalaki ang natagpuang wala nang buhay sa isang sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela, kahapon.

Kinilala ang biktima na si alyas โ€œEdongโ€,isang salesboy at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cauayan City Component Police Station, nakatanggapang ang kanilang Tactical Operations Center ng tawag mula sa isang residente hinggil sa isang hinihinalang insidente ng pagbibigti.

Ayon sa salaysay ng isang kasama sa lugar, napansin niyang nakahandusay ang biktima at hindi na tumutugon matapos itong tawagin nang ilang beses. Nang tingnan ang biktima, nakita rin umanoang tali na nakakabit sa kanyang katawan.

Dumating ang mga tauhan ng Rescue 922 at sinubukang magbigay ng paunang lunas, subalit wala nang nakitang palatandaan ng buhay ang biktima.

Dinala naman sa pagamutan ang naturang biktima para sa post-mortem examination, ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.โ€Ž

Facebook Comments