Monday, November 2, 2026

π— π—”π—›π—œπ—šπ—£π—œπ—§ 𝗑𝗔 π—£π—”π—šπ—•π—”π—‘π—§π—”π—¬ 𝗦𝗔 𝗣𝗒π—₯π—ž 𝗣π—₯𝗒𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—§π—¨π—§π—¨π—£π—”π—— 𝗦𝗔 π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗙

β€ŽCAGAYAN – Mahigpit na minomonitor ng Provincial Veterinary Office (PVET) ng Cagayan ang pagpasok sa lalawigan ng mga produktong gawa sa baboy, kabilang ang chicharon, karne at frozen pork products, bilang bahagi ng hakbang laban sa African Swine Fever (ASF).
β€Ž
β€ŽAyon sa PVET, maaaring maging daan ang mga processed pork products sa pagpasok ng ASF virus kung wala itong sapat na dokumentong nagpapatunay sa pinanggalingan. Dahil dito, masusing sinusuri sa mga checkpoint sa mga boundary ng lalawigan ang mga dokumento ng mga produktong baboy at mga biyaheng nagdadala ng mga ito.
β€Ž
β€ŽSa pinakahuling tala ng PVET, may naitalang ASF cases sa limang lugar sa Cagayan kabilang ang Rizal, Solana, Piat, Lasam at Tuguegarao City na umabot na sa pitong hog raisers ang apektado.
β€Ž
β€ŽKaugnay nito, ipinatutupad ang Executive Order No. 53, Series of 2026, na naglalayong higpitan ang pagkontrol sa paggalaw ng mga buhay na baboy at produktong baboy sa lalawigan.
β€Ž
β€ŽSa ilalim ng kautusan, hindi pinapayagang magbaba o mag-deliver ng buhay na baboy sa alinmang bayan sa Cagayan kahit kumpleto ang dokumento. Maaari lamang bumiyahe ang mga nagdadala ng baboy nang hindi nagbababa ng karga kung mayroon silang Shipping Permit, Certificate of Conveyance at Animal Health Certificate.
β€Ž
β€ŽPara naman sa processed pork products, kailangan ang Meat Inspection Certificate mula sa National Meat Inspection Service o NMIS, gayundin ang kaukulang Shipping Permit.
β€Ž
β€ŽHinimok ng PVET ang mga hog raiser, biyahero, negosyante at publiko na mahigpit na sundin ang mga umiiral na patakaran at biosecurity measures upang mapigilan ang pagkalat ng ASF at maiwasan ang mas malaking pagkalugi sa industriya ng pag-aalaga ng baboy.
β€Ž

Facebook Comments