
Cauayan City – Palalakasin ng lokal na pamahalaan ng Cabagan ang paggamit ng Kalesa bilang transportasyon, katuwang ang Department of Tourism (DOT) Region 2.
Ibinida sa nakalipas na KKK Festival, ang makukulay at magagarbong Kalesa, na bumaybay sa mga lansangan na hinangaan ng mga residente, bisita, maging ng mga opisyal mula sa DOT.
Pinasalamatan naman ni DOT Regional Director Troy Alexander Miano ang lokal na pamahalaan sa dedikasyon nito sa pagpapalakas ng kultura at turismo.
Ayon naman kay DOT Regional Director Troy Alexander Miano, Nagpapakita ng kahalagahan ng ating kasaysayan ang KKK Festival, bilang bahagi ng pagdiriwang na naglalayong ipreserba ang tradisyon ng bayan.
Tiniyak din niya na patuloy na susuportahan ng DOT Region 2 ang pagsulong ng Cagayan Valley bilang isang pangunahing destinasyon para sa kultura at turismo sa bansa.