Pormal nang binuksan ng Pamahalaang Bayan ng Infanta ang bagong Sanitary Landfill Cell bilang bahagi ng pagpapalakas ng programa sa wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang mapapahusay ng bagong pasilidad ang sistema ng solid waste management sa bayan habang isinusulong ang mga hakbang para sa mas maayos na pangangalaga sa kapaligiran.
Bukod dito ay pormal din pinasinayaan ang bagong sementadong kalsada sa bahagi ng Barangay Bamban, Sitio Babanga, bilang pagpapabuti sa transportasyon ng mga residente.
Naging katuwang sa pagpapatupad nito ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Infanta.
Binigyang-diin ng pamahalaang bayan na ang pagtatayo ng bagong sanitary landfill cell ay bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na mapahusay ang serbisyong pampubliko at maisulong ang mga programang nakatuon sa sustainable development.
Kasabay nito, hinimok ng mga opisyal ang mga residente na makiisa sa pangangalaga at wastong paggamit ng bagong pasilidad upang matiyak ang pangmatagalang pakinabang nito.
| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments