KINUKUMPUNING KALSADA SA LUNGSOD NG CAUAYAN, SANHI PARIN NG MATINDING TRAPIKO

Cauayan City – Patuloy pa rin ang mabigat na daloy ng trapikong nararanasan partikular na sa San fermin, Cauayan City, Isabela dahil sa isinasagawang pagkumpuni ng kalsada.

Umaaray ang maraming motorista dahil sa pagsabay ng pagsasaayos sa oras ng pasukan ng mga estudyante at uwian ng mga empleyado mula sa pampubliko at pribadong sektor.

Dahil dito, lalong bumagal ang takbo ng mga sasakyan at nagdulot ng abala sa mga pasahero.


Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Public Order and Safety Division Chief Pilarito Malillin, may mga ilang naitalang minor accidents sa lugar, ngunit agad naman itong naaksyunan ng mga awtoridad.

Wala namang malalang insidente ang naiulat, ngunit patuloy ang monitoring upang maiwasan ang anumang aksidente.

Samantala, pinapayuhan ang lahat ng motorista na magdoble-ingat sa pagmamaneho at laging isaalang-alang ang kaligtasan, hindi lamang ng sarili kundi pati ng ibang gumagamit ng kalsada.

Facebook Comments