Kamara, magsasagawa ng mga pagdinig kahit naka-Christmas break ang sesyon

Nag-adjourn na nitong Huwebes ang session sa Mataas at Mababang Kapulungan at muling magbubukas sa Enero 23, 2023.

 

Pero kahit naka-Christmas break ang sesyon ay pumayag ang liderato ng Kamara na makapagsagawa ng pagdinig ang mga komite.

 

Kasunod ito ng mosyon ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na payagan ang mga chairperson ng mga komite na magpatawag ng pagpupulong at pagdinig kahit na adjourn ang sesyon.


 

Agad naman itong inaprubahan ni Deputy Speaker at Davao City Rep. Isidro Ungab, na siyang presiding officer, at wala ring kongresista ang tumutol.

Facebook Comments