Thursday, September 17, 2026

Drone-assisted escapes sa mga bilibid, malabong mangyari ayon sa BuCor

Pinalagan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang posibilidad na magamit ang mga drone upang makapuslit o makatakas ang mga bilanggo sa mga pasilidad ng bilangguan sa bansa.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., mahigpit na ipinatutupad ang “no-fly zone” sa lahat ng Operating Prison at Penal Farms, bukod pa sa mga watchtower na may 24/7 naka-paligid aniya na guwardiya.

Binigyang-diin ni Catapang na mabilis ding makikilatis at matutukoy ang anumang iligal na paglipad ng drone dahil sa ingay nito at sa tulong ng mga nakakabit na CCTV camera sa paligid ng mga pasilidad.

Tiniyak ng opisyal na nakahanda ang kanilang monitoring system at mga tauhan upang agad na harangin ang anumang banta ng pagpapasok ng kontrabando, iligal na surveillance, o pagtatangkang pagpapatakas gamit ang mga nasabing kagamitan.

Facebook Comments