Kamara, nilinaw na may travel authority at hindi public funds ang ginamit sa byahe sa abroad ni Congressman Arjo Atayde

Naglabas ng mga dokumento ang Mababang Kapulungan para bigyang-linaw ang byahe sa Europe ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde mula Agosto 5 hanggang 27, 2023.

Nakasaad sa sertipikasyon na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco na may petsang Agosto 2, na hindi humingi si Atayde ng pondo sa Kamara para sa kanyang biyahe kaya sariling gastos niya ito.

Base sa travel authority, pupunta si Atayde sa screening ng pelikulang Topakk sa 2023 Locarno International Film Festival sa Switzerland bilang vice chairperson ng Special Committee on Creative Industry and Performing Arts.


Sa travel authority naman ni Atayde na pirmado din ni Velasco at may petsang Hulyo 10, 2023, nakasaad na siya ay pupunta sa Italy at Greece para bisitahin ang mga Filipino community doon.

Facebook Comments