Kamara, umaasa na hindi maaapektuhan ang impeachment trial sakaling matuloy ang pag-aresto ng ICC kay FPRRD

Umaasa ang isa sa mga House Prosecutors na si Manila Representative Joel Chua na hindi makakaapekto sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte sakaling matuloy ang paglalabas ng International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sagot ito ni Chua sa posibilidad na ipaaresto rin ng ICC si VP Sara dahil siya ay secondary respondent sa mga kaso ng extra judicial killings (EJKs) sa panahon na alkalde siya ng Davao City.

Binanggit ni Chua, na kung aarestuhin ang mag-amang Duterte ay kapwa sila papuntahin The Hague kaya maaaring makaantala ito sa pagsasagawa ng impeachment trial.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Chua na maaari namang ituloy ang impeachment trial kahit wala ang presensiya ng bise presidente.

Facebook Comments