
Hindi dapat mabahala ang iilan sa pagpapalit ng liderato ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala silang nakikitang rason para magkagulo dahil sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na italaga si Maguindanao del Norte Governor Abdulraof Macacua kapalit ni Ahod Mohammad Ebrahim bilang chief minister ng rehiyon.
Ayon kay Castro, si Ahod Ebrahim ay isa sa proponent ng peace process kaya malabong sumiklab ang anumang kaguluhan.
Tumanggi naman si Castro na magbigay ng pahayag kaugnay sa pag-alis kay Ebrahim sa pwesto.
Ipinauubaya na aniya nila kay Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez na maglabas ng pahayag tungkol dito.
Facebook Comments