Malacañang, binara ang pahayag ni VP Sara na nabudol siya ng UniTeam noong 2022

Bumwelta ang Malacañang sa pahayag ni Vice President Sara Duterte nabudol umano siya sa pagkikipagtandem kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022.

Sa campaign rally sa Hong Kong, sinabi ni VP Sara na dahil dito ay hindi na siya mag-i-endorso ng kandidato dahil ayaw niyang ma-scam tulad ng paniniwala niya noon sa unity at continuity.

Pero ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, tila baligtad ang nangyari dahil hindi naman inakala ng mga miyembro ng UniTeam ang mabilis na paggastos sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Pinagkatiwalaan din umano siya ng UniTeam at hindi naman siguro nila aakalain na may na may kakilala umanong assassin si VP Sara.

Facebook Comments