
Sumabak na sa trabaho si bagong Cabinet Secretary Benhur Abalos.
Unang nagpakita sa publiko si Abalos bilang Cabinet Secretary nang samahan niya si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pamamahagi ng libreng bigas sa mahigit 3,100 benepisyaryo sa Mandaluyong City sa ilalim ng Mula sa Puso para sa Pamilya initiative.
Ayon kay Abalos, kabilang sa kanyang mga pangunahing tungkulin ang pangangasiwa sa koordinasyon ng mga Cabinet meeting, pagbisita sa iba’t ibang komunidad, at pakikinig sa mga hinaing ng publiko.
Sinabi rin ng kalihim na bahagi ng kanyang mandato ang pagsubaybay sa implementasyon ng mga programa at proyekto ng pamahalaan upang matiyak na naipatutupad ang mga ito.
Dagdag ni Abalos, iikutin niya ang iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao bilang bahagi ng kanyang tungkulin bilang Cabinet Secretary.










