Wednesday, June 24, 2026

KAMPANYALABAN SA MALNUTISYON NG MGA BATA, PINAIIGTING SA  MANAOAG 

Patuloy na pinaiigting ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag ang kampanya laban sa child malnutrition matapos opisyal na matanggap ang unang delivery para sa 16th Cycle Supplementary Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw.

Pormal na pagtanggap ng mga suplay ng pagkain na ipamamahagi sa mga benepisyaryo sa 27 Child Development Centers ng bayan.

Dinaluhan din ng mga Child Development Workers mula sa iba’t ibang barangay ang isinagawang distribusyon.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na matiyak na ang bawat batang Manaoagueño ay makatatanggap ng sapat na nutrisyon upang mapalakas ang kanilang kalusugan at maitaguyod ang mas maliwanag na kinabukasan.

Binigyang-diin ng LGU Manaoag ang patuloy nitong dedikasyon sa pagbibigay ng dekalidad na nutrisyon at suporta para sa mga bata bilang bahagi ng kanilang pangmatagalang programa laban sa malnutrisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments