Kampo ni dating Sen. De Lima, hiniling ang pagsasailalim sa dating senadora sa psychological counseling

Nais din ng kampo ni dating Senador Leila de Lima na maisailalim ang dating mambabatas sa psychological counseling.

Ayon sa abogado ni De Lima na si Atty. Boni Tacardon, ito ay dahil sa pinagdaanan ng dating senadora na aniya’y traumatic “near-death experience” nang ma-hostage kahapon ng kapwa-inmate sa loob ng Camp Crame.

Ang dating senadora ay mananatili sa Philippine National Police (PNP) General Hospital sa loob ng 5 araw para sumailalim sa mga pagsusuri.


Wala pa rin aniyang pinal na desisyon sa planong kahilingan na pansamantalang pag-uwi sa tahanan ni De Lima.

Sinabi ni Tacardon na pag-uusapan ito ng kanilang legal team.

Facebook Comments