Nairehistrong “karag-karag” na mga sasakyan, iimbestigahan ng LTO

Sisiyasatin na ng Land Transportation Office (LTO) kung paanong naipaparehistro pa rin ang mga sasakyan na kakarag-karag o maituturing na hindi ligtas na bumiyahe sa lansangan.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, titiyakin nila na may mananagot dito.

Sa video na nag-viral sa social media, ipinakita ng content creator nito na si Gadget Addict na may isang truck na kakarag-karag na at delikadong pumasada ang sinasabing nakapagparehistro pa ngayong taon.


Bukod dito, ipinakita rin sa video ang ilang pampasaherong jeep na naglagay ng ilegal na terminal sa bangketa at nagbubuga ng maitim na usok bukod pa sa kulang ang mga ilaw.

Facebook Comments