Liderato ng Kamara, lubos ang pasasalamat sa pagsasabatas ni PBBM sa SIM Registration Act

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang lubos na pasasalamat ng buong House of Representatives sa paglagda nito sa Republic Act 11934 o SIM Registration Act.

Ito ang kauna-unahang batas na nilagdaan ng Pang. Marcos Jr., na pinagtibay ng 19th Congress.

Diin ni Speaker Romualdez, ang pagsasabatas ni Pangulong Marcos sa SIM Registation Act ay patunay ng pagbibigay proteksyon ng kanyang administrasyon sa mga Filipino consumer laban sa cybercriminals at online scammers.


Ayon kay Romualdez, sa pamamagitan nito ay matutuldukan na ang pagnanakaw ng personal information gayundin ang mga panloloko at krimen gamit ang SIM cards.

Sa ilalim ng bagong batas, obligadong ipa-rehistro ang lahat ng prepaid SIM cards para maiwasang magamit ito sa anumang ilegal na aktibidad.

Facebook Comments