PBBM at Malaysian Prime Minister, nagpulong kaugnay sa ekonomiya at seguridad sa ASEAN

Nagkaroon ng phonecall meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, bilang panimula sa gaganaping ASEAN Summit sa Malaysia ngayong Mayo.

Ayon kay Pangulong Marcos, tinalakay nila ang mga kinakaharap na hamon ng ASEAN Region partikular na ang may kinalaman sa ekonomiya at seguridad.

Ang ekonomiya at seguridad ang pangunahing prayoridad ng mga bansa sa ASEAN bilang bahagi ng adhikain ng ASEAN leaders na mapanatili ang kapayapaan at mapatatag at mapaunlad ng husto ang rehiyon para makasabay sa iba pang malalaking bansa.

Umaasa naman ang pangulo na magpapatuloy ang mga talakayan kasama ang iba pang ASEAN leaders sa ASEAN Summit para mas mapatatag ang posisyon sa pagsusulong ng mapayapa at maunlad na ASEAN Region.

Bukod sa isyu sa ekonomiya at seguridad, inaasahang tatalakayin din sa ASEAN summit ang iba pang usapin na kapwa mahalaga sa bawat bansa sa ASEAN.

Facebook Comments