Kapulisan ng Santiago City, Naturukan na ng Booster Dose

33
Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naisagawa ang patuloy na pagbabakuna ng booster shot para sa mga kwalipikadong tauhan ng PNP Santiago City.

Pinangunahan ang vaccination para sa booster shot ng mga opisyales ng Santiago City Police Office (SCPO).

Kasama rin sa mga tinurukan ng booster dose ang mga miyembro ng pamilya ng kapulisan.

Ayon kay PLt. Timothy Josef Javier, medical officer ng Regional Medical and Dental Unit ng PRO2, mahalaga aniya na magpa-booster shot para lalong magkaroon ng proteksyon at panlaban sa COVID-19.

Hinihikayat naman ng kapulisan ang mga fully vaccinated individuals na magpaturok na ng booster shot.

Facebook Comments