Pinaigting ng Commission on Elections o COMELEC sa Urdaneta City ang kaalaman ng mga Persons Deprived of Liberty o PDLs tungkol sa kanilang karapatang bumoto.
Ito ay matapos ang voter education activity ng COMELEC sa Urdaneta District Jail noong Oktubre 21, 2026.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng paggunita sa 39th National Prison Awareness Week.
Kabilang sa mga itinuro sa mga PDL ang kanilang mga karapatan sa halalan at ang kahalagahan ng responsable at sapat na kaalaman sa pagboto.
Ayon sa COMELEC-URDANETA, target ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga PDL sa proseso ng halalan at sa kanilang mga karapatang elektoral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










