Sinimulan sa Guesang Elementary School, kahapon, Mayo 28, ang implementasyon ng programang Tawiran sa Mangaldan at sa buong ika-apat na distrito.
Ang naturang programa ay nakatuon sa pagtugon sa mga hamon sa reading proficiency at literacy ng ilang mag-aaral, partikular sa antas ng day care at early grade levels.
Sa ilalim nito, bibigyan ng sistematikong suporta at gabay na learning activities ang mga batang nahihirapan sa pagbasa sa tulong ng mga guro, magulang, at volunteers sa komunidad.
Nauna rito, nagsagawa ng pagpupulong noong Mayo 26 ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City kasama ang ilang institusyong pang-edukasyon upang talakayin ang mga isyung may kinalaman sa literacy ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








